byJose C. de Jesus -- Constancio De Guzman
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pagibig sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas.
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika makita kang sakdal laya
DUNGAWIN MO, HIRANG
Santiago S. Suarez
Irog ko'y pakinggan
Awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa
Isang pusong nagmamahal.
Huwag mong ipagkait,
Awa mo'y ilawit
Sa abang puso kong
Naghihirap sa pag-ibig
Chorus:
Dungawin mo, hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong Dahil sa 'yo'y nabubuhay
Folksongs are music originating among the common people of a nation or region and spread about or passed down orally, often with considerable variation.
ReplyDeleteAs a future educator, I will always start my class in singing folk music.